LEGAZPI CITY – Bagsak sa kulungan ang isang lolo matapos akusahan ng panggagahasa sa dalawang menor de edad na apo sa Caramoran, Catanduanes.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PMaj. Emsol Icawat, tagapagsalita ng Catanduanes Police Provincial Office, magpinsan ang mga biktima na edad walo at siyam na taong gulang ng simulang abusuhin ng sariling lolo hanggang sa edad 12 at 13-anyos.
Nahaharap si alyas “Al” sa kabuuang 1,487 na kaso batay sa ibinabang warrant of arrest ni Hon. Genie G. Gapas-Agbada, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 42, Virac, Catanduanes.
Patong patong na kaso kabilang na ang 900 counts ng Statutory Rape, 382 counts ng rape at hiwalay na kaso pa ng 150 counts ng Statutory Rape sa isa pang apo at 55 counts ng rape.
Walang inirerekomendang piyansa para sa nasabing mga kaso.
Itinuturing naman na number 1 regional most wanted person sa Bicol ang naturang lolo na ngayon ay nasa himpilan ng Caramoran MPS upang ipresenta sa korte.
Sa ngayon ay pawang nasa safe haven, at binibigyan ng atensyon at intervention ang mga biktima.
Samantala, bibigyan naman ng commendation ang mga operatiba na naka-aresto kay alyas ‘Al’ sa malaking acomplishment na ito.