Tuloy pa rin ang paghahanda ng Comelec para sa random manual audit (RMA) para sa May 13 elections kahit pa umatras na ang National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) bilang citizen’s arm.

Nauna nang nabigyan ng accreditation ang Namfrel bilang lead convenor ng RMA pero kalaunan ay nagdesisyon na huwag nang tanggapin ang accreditation ng Comelec matapos na tanggihan naman ng poll body ang access ng grupo sa mga impormasyon at data.

Pero sa kabila nito, iginiit ni Comelec Spokesperson James Jimenez na maraming grupo ang nagnanais na gawin ang inabandonang trabaho ng Namfrel.

Kung titingnan aniya isa lamang ang Namfrel sa 10 grupo na bumuo ng coalition para sa RMA.