Sa pambihirang pagkakataon ay makakansela ang pagbibigay parangal na Ramon Magsaysay Award sa mga natatanging indibidwal o grupo mula sa rehiyon ng Asya.

Sa inilabas na statement, sinabi ng Ramon Magsaysay Award Foundation Board of Trustees na kinailangan nilang ihinto ang pagbibigay parangal ngayong taon dahil sa kasalukuyang pandemic ng COVID-19.

“For the past 60 years, the Ramon Magsaysay Award Foundation has been honoring remarkable individuals and institutions from all over Asia. This vibrant community of Laureates share a common trait: selflessness in the pursuit of better lives for the many who are left behind socially and economically.”

Sa kasaksayan ng RMA, ngayon ang ikatlong beses na makakasela ang pagpili at paggawad ng parangal sa mga awardees mula noong 1970 financial crisis at 1990 earthquake sa bansa.

“It was a tough decision to make. We shall all miss the solemnity of the Awards Night. Hungry for the stories that inspire and sustain hope. Feeling humbled in the presence of light.:

“Today, tradition has to give way to inconvenient reality. But we will get together again and it wil be a joyful reunion.”

Noong nakaraang taon, ginawaran ng Ramon Magsaysay Award ang batikang musical composer at songwriter na si Ryan Cayabyab.

Ilang Pilipino na rin ang nakatanggap ng parangal na tinaguriang Nobel Peace Prize ng Asya. Kabilang dito sina dating Chief Justice Hilario Davide Jr., former Ombudsman Conchita Carpio Morales at yumaong DILG Sec. Jesse Robredo.

Ngayong taon sana ang ika-32 taong anibersaryo ng award-giving body na nagsisilbi ring paggunita sa alaala at kadakilaan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay.