LEGAZPI CITY – Kalat ngayon sa social networking sites ang kuha ng ilang netizens sa umano’y kakaibang pagbati ng Bulkang Mayon nin “Magandang umaga” sa mga Bicolano.

Sa mga kuhang larawan na ipinadala sa Bombo Radyo Legazpi, makikita ang magandang korte ng bulkan na may usok at kaunting kaulapan na katabi ng isang rainbow.

Agad na humakot ng likes and shares ang mga larawan habang pinuri pa ang “photogenic shot” ng isa sa mga ibinibidang tourist attraction sa Albay.

Dakong alas-6:00 kaninang umaga nang makita ang atraksyon kung saan mistulang game na game rin na magpa-picture ang bulkan na hindi gaanong natatakpan ng kaulapan.

Ayon sa ilang netizens, patunay lamang ang rainbow na may pag-asa pa sa kabila ng mga pagsubok na dumarating.

-- Advertisement --

Ipinagpapasalamat naman ng iba pa ang rainbow na nagpapahayag lamang aniya ng pangako ng Diyos para sa Kaniyang mga nilikha.