Rain or Shine Elasto Painters
RoS Painters/ PBA image

Pinalitan ng Rain or Shine Elasto Painters ang kanilang import ilang linggo sa pagsisimula ng PBA Governors Cup.

Ipinalit si Kayle Locke ng Painters kay Joel Wright.

Ang 25-anyos na si Locke ay manlalaro mula sa Farmco ng Malaysian Pro League kung saan naglaro din noon si Carl Montgomery ang dating import ng RoS na nagdala sa kanila sa semifinals noong Commissioner’s Cup.

Sinabi ni Rain or Shine coach Caloy Garcia, na tinanong nila si Montgomery tungkol kay Locke na nagtapos sa University of North Carolina-Greensboro.

Dagdag pa nito ibinigay ng isang agent ang pangalan nito kaya pinanood nila ang ilang mga laro niya.

Inaasahan na makakasama ng Rain or Shine si Locke sa paghaharap nila ng Magnolia sa Biyernes.

Pinalitan nila si Wright matapos na sinadya nitong itulak si Troy Rosario ng TNT KaTroopa na nagbunsod sa kaniyang pagkuha ng flagrant foul.