Naglabas na ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) ang PAGASA kasabay ng patuloy na pagkilos ng Tropical Depression Quinta sa Pilipinas.

Ayon sa PAGASA, napanatili ng bagyo ang lakas nito habang kumikilos papuntang kanluran sa direksyon ng Bicol region.

May 16 na lugar nang isinailalim sa Signal No. 1, batay sa severe weather bulletin nitong alas-11:00 ng gabi. Kabilang sa mga ito:

-Catanduanes
-Sorsogon
-Albay
-The northern portion of Masbate (Mobo, Uson, Milagros, Masbate City, Baleno, Mandaon, Balud, Aroroy, Dimasalang) including Burias and Ticao Islands
-Camarines Norte
-Camarines Sur
-Quezon
-Laguna
-Rizal
-Batangas
-Cavite
-Metro Manila
-Occidental Mindoro
-Oriental Mindoro
-Marinduque
-Romblon

Huling namataan ang sentro ni Quinta sa 505-kilometers silangan ng Juban, Sorsogon. Nasa 55-kilometers per hour ang lakas ng hangin nito, at 70-kilometers per hour ang gustiness o pagbugso.

Kumikilos ng 20-kilometers per hour ang bagyo patungong kanluran at inaasahang magla-landfall sa Bicol region sa Linggo ng umaga.

“Afterwards, it will traverse the Southern Luzon area until Monday evening. Thereafter, it will begin turning west-northwestward until it exits the Philippine Area of Responsibility on Tuesday morning or afternoon.”

Asahan daw ang katamtaman hanggang malalakas na ulan sa Bicol, Northern Samar at Quezon bukas. Mahina hanggang katamtamang buhos naman sa Aurora, Metro Manila, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Northern
Mindanao, Caraga, at natitirang bahagi ng CALABARZON at Visayas.

“The tail-end of a frontal system will likewise bring moderate to heavy rains over the northern portions of mainland Cagayan including Babuyan Islands, Apayao, and Ilocos Norte and light to moderate with at times heavy rains over Batanes, and the rest of Cagayan, Apayao, and Ilocos Norte.”

Nagbabala ang weather bureau sa flashflood at landslide prone areas hinggil sa posibleng epekto ng ulan na dulot ng bagyo.