pastor apollo quiboloy
Pastor Apollo Quiboloy (FB photo)
-- Advertisements --

Sinampahan ng P100 million cyber libel case ni Sen. Manny Pacquiao si Pastor Apollo Quiboloy, founder ng Kingdom of Jesus Christ church, dahil sa umano’y maling pagpapakalat ng impormasyon ukol sa kaniya.

Nag-ugat ito sa kinikuwestyon ni Quiboloy na P3.5 billion overpriced na Sarangani Sports Complex, na proyekto umano ni Pacquiao at hindi naman napapakinabangan.

Ayon sa Senador ang ipinakita ni Quiboloy sa kaniyang social media post ay noon pang 1996 at hindi ang kaniyang ipinagawang proyekto na may halagang P300 hanggang P500 milyon lamang.

Sa 13-pahina ng reklamong inihain sa Makati Prosecutors Office, sinabi ni Pacquiao na nakasira ang mga malisyosong pahayag na ito laban sa kaniya bilang public servant.

“His statements are far from hallow. They are criminal in nature and cannot go unpunished,” wika ni Pacquiao.

-- Advertisement --

Samantala, wala pa namang tugon dito ang kampo ni Quiboloy.