Muling nagka tensiyon kanina sa Quiapo, Manila matapos mapansin ang isang abandonadong eco bag.

Nakita ang abandonadong eco bag sa may bahagi ng Quaipo bridge na nadiskubri bandang alas-10:00 ng umaga kanina.

Kaagad namang kinordon ng mga operatiba ng Manila Police District bomb squad team ang lugar.

Sinuri ng mga bomb squad team ang eco bag gamit ang isang ICOR Caliber MK3 robot at dito nadiskubri na walang pampasabog sa nasabing eco bag.

Buong araw ilalagay sa lock down ang nasabing lugar habang nagpapatuloy ang post blast investigation sa lugar.

-- Advertisement --

Sa ngayon hindi pa matukoy ng PNP kung anong klase ng pampapasabog ang ginamit sa twin bombing.