Quezon map
IMAGE | Quezon province map/Google maps

Sa ikalawang pagkakataon, muling pinarangalan ang lalawigan ng Quezon ng Seal of Good Local Government (SGLG) ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Batay sa anunsyo ng DILG-Regional Office Calabarzon, napabilang ang mga bayan ng Guinayangan, Gumaca, Mauban, Panukulan at Sampaloc ng Quezon sa 33 local government units na pumasa pinaka-mataas na parangal ng ahensya para sa mga LGUs.

Noong 2017 nang parangalan din ang Quezon province bilang isa sa mga recepients ng SGLG.

Nitong taon nang palakasin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang SGLG sa pamamagitan ng nilagdaang Seal of Good Local Governance Act of 2019.

Sa ilalim ng batas, bibigyan ng naturang pagkilala ang mga lokal na pamahalaan na matagumpay na napaunlad ang kanilang komunidad sa pamamagitan ng mga programa at polisiya.

Kaugnay nito, nagpasalamat si Quezon Gov. Danilo Suarez dahil sa panibagong pagkilala sa lalawigan.