-- Advertisements --
cropped Ph locator ncr quezoncity

Muling kinilala ang Quezon City bilang pinakamayamang local government unit (LGU) sa buong bansa sa ikalawang taon.

Ito ang iniulat ng Commission on Audit (COA) sa kanilang report.

Batay sa 2021 Annual Financial Report, sinabi ng mga state auditors na ang total assets noong nakaraang taon ng Quezon City ay umabot sa P451.01 billion, na bahagyang mas mababa noong taong 2020 na ang total assets ay nasa P452.33 billion.

Pumapangalawa naman na pinakamayamang LGU sa Pilipinas ay ang Makati City na may P238.56 billion sa assets.

Dati na ring number 2 ang makati noong taong 2020.

Nasa pangatlong puwesto naman ang lungsod ng Maynila na may P65.25 billion total assets, pang-apat ang Pasig na may P51.18 billion, at pang-lima ang Taguig na may P36.12 billion.

Ang iba pang nasa top 10 richest cities ay:

Pang-anim ang Cebu City na may total assests na P33.34 billion
Pampito, Mandaue may P33.01 billion
Pangwalo ang Mandaluyong P31.44 billion
Pangsiyam ang Davao City P26.56 billion
Pangsampu ang Caloocan P23.38 billion

Samantala pagdating naman sa mga probinsya ang pinakamayaman ay ang Cebu Province na may total assets na P215.27 billion.

Sumusunod ang lalawigan ng Rizal, Batangas, Davao de Oro, at ang ikalima na probinsya ng Bukidnon.

Nasa ikaanim na puwesto naman ang Negros Occidental (P18.03 billion)
Ikapito ang Ilocos Sur (P17.91 billion)
Ikawalo ang Iloilo (P17.4 billion)
Pang-siyam ang Isabela (P16.42 billion)
Pangsampu ang Palawan (P16.11 billion)

Sa mga munisipyo ang number 1 ay ang Carmona, Cavite na may P6.21 billion assets na dati ay nasa pang-walong puwesto lamang.