-- Advertisements --

Nakarekober na si Quezon City Mayor Joy Belmonte matapos mahawa sa Covid-19 virus.
Ito ang kinumpirma ni Atty. Nino Casimiro ang OIC sa office of the City Mayor.


Ayon kay Casimiro, kino-comply na lamang ni Belmonte ang mga health protocols sa quarantine.

Dalawang beses, aniya na test ang alkalde at negatibo ang resulta.

Samantala, nagsagawa ng joint operations ang mga tauhan ng Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force on Traffic, Transport Management (TFTTM), at Social Services Development Department (SSDD) laban sa mga lumalabag sa Mandatory Face Masks Ordinance.

Dinala sa QCPD Police Station 1 ang mga nahuling walang suot o mali ang pagsuot ng face mask para patawan ng kaukulang parusa.

Ang mga lumabag naman na menor de edad ay dinala ng Social Services Develeopment Department sa barangay hall at pinaalalahanan ang mga magulang nila.

Paalala ng lungsod sa mga residente ng Quezon City na ugaliing magsuot ng face mask kapag lumalabas ng bahay para mapigilan ang pagkalat ng Covid-19 virus.