Reading Time: 1 minute

NAGA CITY – Pormal nang lilipat ngayong araw, Setyembre 9 ang Queenbank Naga sa bago nitong lokasyon sa GF ng Crown Hotel, Penafrancia Avenue, Brgy San Francisco, Naga City.

Pangungunahan nina Rev. Fr. Celerino M. Reye, SJ at Rev Fr. Eugene A. Lubigan ang blessing.

Noong 2018, kapansin-pansin ang patuloy na paglago at mga pagbabago ng Queenbank na nakapagtala ng kabuuang kita na Php 2.4 bilion.

Pumalo naman ang taunang deposits nito sa Php 1.6 billion at loan portfolio na umabot sa P1.7Bilion.

Kasama sa serbisyong hatid ng Queenbank ang mas pinalawak na deposit services, Peso & Dollar savings, time deposit, business checking, ATM, Business Payroll Services, Forex Exchange Trading. Loan services include Business Loan, Business Line of Credit, Industrial Loan, Domestic bills Purchase, receivables rediscounting, check rediscounting,agricultural term, real estate, housing, multi-purpose, car financing at salary.

Isa ang Queenbank sa mga itinuturing na biggest independent thrift banks sa labas ng Maynila na mayroong mga sanga sa iba’t ibang lugar sa Luzon , Visayas at Mindanao habang nakabase naman sa Iloilo City ang Queenbank Head Office.

Kasama rin sa pinapatakbo ng Queenbank ang Queen City Rural Bank at sister company rin ito ng Bombo Radyo Philippines.

Maliban dito, Proud Member din ito ng Bancnet, Philippine Clearing House Corp at PDIC habang pinangangasiwaan ng Bangko Sentral Ng Pilipinas