-- Advertisements --

Tatagal pa hanggang May 10 ang ipinatupad na mandatory nationwide quarantine period sa Argentina bilang hakbang ng bansa para labanan ang coronavirus outbreak.

Nagpatupad ang gobyerno ng Argentina ng shelter-in-place measure noong Marso at magtatapos sana ngayong araw.

Una nang niluwagan ni Argentinian President Alberto Fernandez ang ibang patakaran na ipinatupad nito sa bansa ngunit hindi pa rin pinapayagan ang mga Argentinians na maglakad-lakad sa labas ng kanilang mga bahay.

Papayagan din ang mga provincial governors na mag-issue ng exceptions sa isolation measures.

“We continue in the midst of a pandemic that is ravaging the globe but which, in Argentina, has not been as harmful as in other parts of the world,” saad ni Fernandez.

Nakapagtala na ng 3,780 coronavirus cases sa Argentina at 185 katao na ang namamatay.