Inalmahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagsasagawa ng PNP at PDEA operations sa matataong lugar sa kanilang syudad.

-- Advertisement --

Ayon kay Belmonte, marami siyang natanggap na negatibong komentaryo ukol sa kanilang lugar, dahil sa naturang pangyayari.

Apela ng alkalde, i-review sana ng mga otoridad ang kanilang protocol, para maiwasan ang ganitong sitwasyon sa malls at iba pang pampublikong lugar.

Batid umano nilang sensetibo ang police operations, subalit nalalagay din naman sa panganib ang buhay ng mga karaniwang mamamayan.

Kaugnay nito, kakausapin ng opisyal ang mga stakeholders, para makahanap ng paraan kung paano maiiwasan ang mga kahalintulad na sitwasyon.