-- Advertisements --

Hinimok ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga public utility vehicles na hindi pa nakatanggap ng kanilang payment para sa kanilang serbisyo sa ilalim ng libreng sakay program ng gobyerno na maghain ng formal complaint para agad na matugunan.

Sinabi ni LTFRB Executive Director Tina Cassion na nabayaran na ng LTFRB ang kanilang obligasyon na bayaran at ang naturang isyu ay nasa pagitan na aniya ng mga PUV drivers at ng kanilang mga operators.

Ayon kay Cassion nagsumite ang mga operators sa LTFRB ng liquidation report kung saan inihayag ng mga ito na nabayaran na nila ang mga PUV drivers kung kayat kailangan aniya na maghain ng complaint sa ahensiya kung taliwas ito sa naturang report ng mga operator.

Sa ilalim ng contract, obligado ang mga operators na ibigay ang sahod at benepisyo ng mga drivers kung kayat magiging accountable ang mga operators sakaling may paglabag sa naturang kontrata.

Maaari ding dumulog ang mga drivers sa Department of Labor and Employment dahil ang naturang isyu ay nasa pagitan ng kanilang employer at ng empleyado.

Top