VLADIMIR PUTIN
Vladimir Putin

Tiniyak ni Russian President Vladimir Putin na magiging matagumpay ang kanilang nuclear-powered rocket.

Ito ay matapos na sumabog ang rocket range sa isinagawang test range sa White Sea noong Agosto.

Ayon sa Russian President na sa mga susunod na araw ay kanila ng mapeperpekto ang nasabing missile.

Ang pagkakaroon aniya ng nasabing teknolohiya ay magdadala ng kapayapaan sa isang bansa.

Magugunitang natapos na ng mga engineers ang testing sa offshore platform sa Nyonoksa naval test range ng sumiklab ang sunog at sumabog ang mga makina.

Nasawi dito ang pitong katao kung saan nakita pa ang radiation na may taas pa ng 16 na beses sa Severodvinsk.

Isinagawa nito ang nasabing pahayag sa seremonya sa Kremlin kung saan binigyang pugay ang mga asawa ng mga nasawi sa pagsabog.