-- Advertisements --

Nakaranas ng bahagyang side effects matapos na turukan ng COVID-19 vaccine si Russian President Vladimir Putin.

Sinabi nito na pagkagising niya sa umaga ilang araw matapos na maturukan ay sumakit ang kaniyang mga muscles.

Tinignan naman nito ang kaniyang temperatura at normal naman ang lumabas.

Hindi rin aniya naging kumportable ang kaniyang pakiramdam sa lugar kung saan itinurok ang bakuna.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay nagpaturok ng COVD-19 vaccine ang Russian President.

-- Advertisement --

Hindi naman nito binanggit kung anong uri ng bakuna ang itinurok sa kaniya.