Patay matapos barilin ang isang punong barangay habang sugatan ang barangay kagawad sa Quiapo Maynila, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Abubacar Sharief, punong barangay ng 384, Zone 39 ng Quiapo.

Base sa imbestigasyon, nasa barangay hall ang biktima sa Globo De Oro Street kasama ang tatlong kagawad pasado 11 ng gabi ng nilapitan sila ng mga armadong kalalakihan.

Pinadapa ang mga nasa lugar at pinagbabaril ang biktima.

Nasugatan naman ang kagawad na si Malik Abdullah at ito ay nagpapagaling na sa pagamutan.

Ilan sa mga tinitignan na motibo sa insidente ay pulitika at negosyo dahil noong 2012 ay napatay din sa pamamaril ang ama ni Sharief na incumbent chairman noon na si Zainal.