CENTRAL MINDANAO- Winasak ng malaking alon ang isang pumpboat sa lalawigan ng Maguindanao.

Masuwerteng nakaligtas ang labing walong mga pasahero nito mula sa Brgy Payong Sultan Dimaporo Lanao Del Sur patungong Brgy Tibpuan Lebak Sultan Kudarat.

Ayon kay Datu Blah Sinsuat Deputy Chief, Police Master Sergeant Ronald Buka Ambag, hinampas ng malaking alon ang pumpboat sa Brgy Pinansaran Datu Blah Sinsuat Maguindanao higit tatlong kilometro ang layo mula sa dalampasigan.

Mabuti na lamang may dala silang isang motorized bangka na sinakyan nila patungo sa dalampasigan.

Dagdag ni Datu Blah Sinsuat Municipal Councilor Datu Dido Mama na natagpuan ang sirang pumpboat sa Barangay Nalkan na pinadpad ng malalaking alon at hangin.

Ang pagtaob ng Bangka ay dulot nang masamang panahon sa bansa sa bagyong Marilyn.