-- Advertisements --

Dinukot ng mga hindi pa nakilalang mga suspeks ang isang Pulis sa Norzagaray, Bulacan.

Ito ang kinumpirma ni P/LtC. Avelino Protacio III makaraang dumulog sa kanilang tanggapan ang mga nakasaksi sa insidente.

Nakita umano ng mga testigo na sapilitang isinakay ang biktimang si P/Cpl. Nikkol John Santos sa isang kulay puting SUV.

Dahil dito, inalerto na ni Protacio ang insidente maging ang kaniyang mga opisyal sa Bulacan Police Provincial Office para sa pagkakasa ng mga checkpoint operations sa lugar at maharang ang mga salarin.

-- Advertisement --