CAGAYAN DE ORO CITY – Aabot sa 25 grams na droga ang nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-10 sa isang pulis sa Barangay Labuyo, Tangub City, Misamis Occidental.

Kinilala ang suspek na si Police Staff Sergeant Manuel Ancap, Jr., residente ng Barangay Labuyo, Tangub City at isang target listed.

Nahuli si Angcap sa pamamagitan ng search warrant kung saan narekober sa kaniyang posisyon ang anim na sachet ng shabu na nagkakahalaga sa mahigit P162,000; dalawang unit ng black and gold iPhone; iunit 9mm Pietro Beretta Handgun; unit 9mm magazine clip; 15 pieces 9 mm ammunition at mga drug paraphernalia.

Napag-alaman na matagal nang pinagmamanmanan ng mga PDEA agents ang mga aktibidad ng suspek.