KORONADAL CITY – Tuluyan nang pinakawalan ng mga otoridad ang pulis na nambugbog patay sa kaniyang misis sa lungsod ng Koronadal.

Batay sa inilabas na blotter report ng Koronadal PNP, naresolba ang kaso ni PCpl. Edwin Habagat na parricide sa pamamagitan ng inquest resolution matapos ang pakikipag-areglo ng mga pamilya ni Habagat at pamilya ng biktima at asawa nitong si Davy Joy.

Ngunit ipinaliwanag ng Koronadal PNP na pansamantala lamang ang kalayaan nito dahil nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon nila laban kay Habagat.

Kung matatandaan na sumuko si Habagat sa mga otoridad matapos ang makailan umanong beses na pambubugbog sa asawa nito na nagresulta sa pagsakit ng ulo, pagkahilo at pagkamatay nito noong nakaraang linggo.