CAGAYAN DE ORO CITY – Patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa pananambang ng kanilang kasamahan sa trabaho sa Brgy. Panoloon, Sapad Lanao del Norte.

Hindi na umabot sa ospital ang biktima na si Pol. Cpl. Richard Garcia Gordiones, 30-anyos.

Ayon kay Pol. Lt. Mohammad H. Bantuas, hepe ng Sapad Police Station na binaril ang biktima ng dalawang suspect na sakay ng motorsiklo.

Ito ay habang patungo ito sa Kapatagan, Lanao del Norte upang siyasatin ang paghahanda ng seguridad sa presinto ng pagboto ng nasabing lugar.

Narekober sa crime scene ang dalawang empty shell ng .45 caliber pistol.