Samar Marabut

TACLOBAN CITY – Patay ang isang PNP personnel habang sugatan naman ang tatlong kasamahan nito kasama ang isang detainee sa nangyaring ambush sa Barangay Logero, Marabut, Samar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pabalik na sa kanilang istasyon ang naturang mga pulis sakay ng kanilang patrol car nang bigla na lang silang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang mga suspek.

Napag-alaman na kagagaling lang ng mga ito sa bayan ng Basey para iskortan ang isa nilang detainee.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nangyaring insidente.