-- Advertisements --

Nagpapatuloy pa ngayon ang isinagawang manhunt at hot pursuit operation laban sa dalawang suspek sa pananaksak na kumitil sa buhay ng isang pulis sa Brgy. Silab, Amlan Negros Oriental.

Kinilala ang biktima na si PSSg Rolando Palic, residente ng nasabing lugar.

Habang ang dalawang suspek ay kinilalang sina Jason Cadiente , 24 anyos at Ramil Ulpos, 30 anyos.

Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay Police Chief Master Sergeant Nodelon Dagodog,Chief Investigator ng Amlan Police station na base sa kanilang insisyal na imbestigasyon, inawat lang ni Palic ang nangyaring pagtatalo sa isang benefit dance sa lugar.

Sinabi pa ni Dagodog na nagtamo ng ito dalawang tama ng saksak sa tiyan ang biktima at naisugod pa sa pagamutan ngunit kalaunan ay binawian ng buhay.

Dagdag pa nito na nadetach na sa Amlan police station ang nasabing biktima.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad ang kinaroroonan ng mga suspek at nangakong papanagutin ang mga ito sa batas.