Reading Time: 1 minute

Patay ang isang pulis na naka-assign sa PNP Intelligence Group matapos pagbabarilin ng riding in tandem suspects.

Ito ay kinumpirma na mismo ni Lt. Col. Giovani Caliao, hepe ng Cubao Police Station.

Naganap ang pamamaril sa pulis sa may bahagi ng Boni Serrano Avenue, Brgy. Bagong Lipunan, Quezon City.

Kinilala ni Caliao ang biktima na si Staff Sergeant Fernando Diamzon na nakatalaga sa PNP Intelligence Group.

Ayon sa mismong kasamahan ng biktima na si Senior Master Sgt. Ernesto Bueviaje, katatapos lang ng kanilang duty at pauwi na sana ng Maynila pasado alas-8:50 ng umaga nang dikitan ang kanilang motor na minamaneho ng magkaangkas na motor riding suspects.

Anim hanggang pitong beses pinaputukan ng mga suspek si Diamzon na nagresulta sa agarang pagkamatay nito.

Iniimbestigahan na ngayon ang posibleng motibo sa pagpaslang.

Inihayag naman ni Caliao na posible umanong may kinalaman ito sa trabaho dahil tinitiktikan ang biktima papalabas ng Crame.

Susuriin na rin ng PNP ang CCTV sa lugar.