CEBU CITY – Arestado ang isang pulis sa isinagawang buybust ng Cebu City Police Office (CPPO) Station 7 kagabi sa Caimito St. Brgy. Basak Pardo sa lungsod ng Cebu.

Nahuli sa akto si Police Corporal Rogelio Atillo na nagtitinda ng iligal na droga kaya ito dinakip.

Si Atillo ay naka-assign sa isa sa mga PNP station ng CCPO.

Ang pagkakahuli sa suspek ay bahagi pa rin ng internal cleansing at kampanya laban sa iligal na droga ng PNP.