-- Advertisements --
Binalaan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko hinggil sa pagbili ng mga branded COVID-19 vaccines na binibenta sa iba’t ibang online selling platforms at social media.
Iginiit ng ahensya na ito ay “scam” kung saan ini-engganyo ang mga mamimili na prefer ang mga brands tulad ng AstraZeneca, Pfizer, at Moderna.
Ang ginagawa anila ng mga nasa likod ng scam na ito ay pinapalabas na promo ang kanilang ibinibenta.
Humihingi aniya ang mga ito ng samu’t saring bayarin tulad ng delivery fees at insurance fees pero kalaunan ay wala namang produktong darating sa naloko nilang customer.
Iginiit ng FDA na tanging ang pamahalaan lamang ang nagtuturok ngayon ng COVID-19 vaccines.