-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagsimula na ang public viewing ng urn si dating Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Archbishop-Emeritus Angel Lagdameo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Father Angelo Colada, director ng Social Communications ng Archdiocese of Jaro, sinabi nito na masisilayan ang urn ni Lagdameo sa Jaro Metropolitan Cathedral.
Bukas anya ito las 6:30 ng umaga at hanggang las 10:00 ng gabi.
Pansamantala namang ititigil ang public viewing sa tuwing may gaganaping misa.
Magtatagal ang public viewing hanggang Hulyo 19 na siyang araw ng kanyang libing.
Sa nasabi ring araw, may gaganaping Funeral Mass las 9:00 ng umaga.
Ilalagak naman ang urn ni Lagdameo sa columbarium sa kanang bahagi ng Jaro Metropolitan Cathedral.