Ang pagbiyahe ay isa sa paraan ng mga mag-anak o magkakapamilya para makapag-bonding at lumikha ng mga alaala.

Isa ito sa mga bagay na nais i-highlight ng Philippine Travel Agencies Association (PTAA) sa kanilan latest expo.

Ang 27th PTAA TravelTour Expo 2020 na gaganapin sa SMX Convention Center, Mall of Asia (MOA), Pasay City sa February 7 hanggang 9, 2020.

Ang tatlong araw na event na ito ay may temang “More > Real.”

“This is the best year to travel, given the long weekends published. International travel has also become affordable thus we expect, not only millennials, but also professionals to be active tourists. C’mon, fly with us! We also want to encourage more Filipinos to travel as a family. After all, traveling is one of the best ways for a family to bond and rediscover each other. As you’re exploring new places, you have the chance to see you family members in a new light. Perhaps, it’s only when you travel that you get to see their fun side,” ani PTAA President Ritchie Tuaño.

-- Advertisement --

Imbitado sa naturang okasyon si Secretary Bernadette Romulo-Puyat ng Department of Tourism (DoT) para maglahad ng kanyang keynote address.

Mahigit 400 exhibitors mula sa travel agency at tourism enterprise industry ang inaasahang dadalo sa aktibidad.

May mahigit 1,000 booths naman at hanggang 70 percent discounts sa cruise lines, hotels, theme parks, at airline fares.

Ang pakete ay iaalok sa mga solo o hindi kaya ay group travel.

Bilang isa sa pinakamalawak na taunang pagtitipon sa sektor ng travel and tours-domestic o international, ang three-day expo ay inaasahang dadaluhan ng mahigit 100,000 guests.

Kabilang sa mga hinihimok na dumalo sa event ay ang mga travel and tourism trade practitioners, corporate and business travelers, holiday travelers, incentive and convention planners, government and business leaders, direct buyers, at investors.

Ilan sa main sponsors ng aktibidad ay ang Citibank, Turkish Airlines, Tourism Promotions Board-Department of Tourism, Tourism Malaysia at PLDT.

Ang General admission fee naman ay P70 (kabilang ang mga bata at estudyante) at P50 para sa mga senior citizens.

Samantala, ang mga corporate travelers ay maari ring lumahok sa 5th International TravelTrade Expo 2020, na inaasahang katatampukan ng 30 participating countries para mag-showcase ng kanilang travel and tour deals para sa business-to-business category ng expo.

Ang aktibidad na ito ay eksklusibo para sa registered trade buyers and sellers at magaganap sa February 2 hanggang 4, 2020.

Opurtunidad din ito para sa travel and tour agencies na magbahagi ng cost-effective experiences katuwang ang kanilang mga tinaguriang seasoned travel advisors.