stadium seag sea games clark bong cayetano
Athletes and officials at New Clark City Athletics Stadium (file photo by Bombo Bam Orpilla)

Plano ngayon ng Philippine Sports Commission (PSC) na i-classify ang mga lokal na atleta para magkaroon ng prioridad sa dami ng mga sports at alteta na humihingi ng tulong sa gobyerno.

Sinabi ni PSC chairman Butch Ramirez, na ang nasabing hakbang ay makakatulong sa kanila para makagawa ng bagong polisiya kung paano mabigyan ng financial support ang mga atleta.

Mayroon kasing 64 na sports ang humihingi ng financial assistance sa kanila kaya nararapat na gumawa sila ng polisiya para maisaayos ang prioridad.

Bibigyan aniya ng prayoridad ang mga atleta na malaki ang potensiyal na makapaglaro sa Olympics.