Iniulat ng Philippine Statistics Authority na bumaba ang presyo ng ilang agri commodities noong buwan ng Pebrero ng kasalukuyang taon.
Kabilang na rito ang mga produktong tilapia , talong, pulang sibuyas, at pulang asukal.
Batay sa datos ng ahensya, pumalo lamang sa ₱167.62 ang average retail price ng kada kilo ng tilapia sa ikalawang linggo ng buwan ng Pebrero .
Ito ay mas mababa kung ikukumpara sa ₱169.02 per kilo noong unang linggo ng nasabing buwan.
Umabot naman sa ₱168.52 kada kilo ang naging bentahan nito noong Enero.
Ang talong naman ay limang piso ang ibinaba sa presyo sa huling bahagi ng Pebrero.
Naglalaro na lang ang presyo nito sa ₱86.18 mula sa ₱90-₱91 na retail price nito noong January.
Bumaba na rina ng presyo ng pulang sibuyas na dati ay ₱188.32 kada kilo ay naging ₱163.11 kada kilo ito noong nakaraang buwan.
Ang presyo ng asukal ay bumaba rin noong Pebrero mula sa ₱78.10 kada kilo noong Enero ay naging ₱76.52 na lang ang kada kilo nito.