LAOAG CITY – Hihigpitan ng Provincial Health Office ang pagsasagawa ng inspeksiyon sa Laoag International Airport lalo sa mga pasahero kahit walang direct flight ang nasabing paliparan mula sa China.

Ayon kay Dr. Josephine Ruedas, provincial health officer, may quarantine office sa paliparan na magmomonitor sa mga pasahero.

-- Advertisement --

Pinayuhan din ang mga empleyado ng provincial capitol na ipaalam kaagad sa opisina nila kung may mga kapitbahay, miembro ng pamilya o kaibigan na nanggaling sa mga apektadong bansa ng corona virus.

Dagdag nito na idadaan agad sa evaluation at quarantine ang mga pasahero na nahawaan sa virus ngunit wala namang naitatala dito sa lalawigan.