LAOAG CITY – Pinawi ni Dr. Luz Tabora, OIC ng Prov’l Agriculture Office ng lalawigan ng Ilocos Norte ang pangamba ng mga magsasaka dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng habagat.

Ito ay matapos may mga pananim na palay ang lubog sa baha kagaya sa bayan ng Dingras at ng sa bayan ng Solsona.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Laoag kay Tabora, sinabi na mangilan-ilan pa lamang ang mga pananim na palay ang namumulalak at karamihan ay hindi pa katagalan na naitanim.

Sinabi niya na kung hindi pa namumulaklak ang mga ito kahit na nakababad sa tubig ulan ay hindi ito masisira dahil hindi naman tuloytuloy ang pag-ulan.

Maalala na halos mag-iisang linggo nang nakakaranas ng ulan ang lalawigan dahil sa habagat.