Nagpatawag ng command conference nitong umaga si PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa para plantsahin ang mga protocols para sa ipatutupad na “community quarantine” sa Metro Manila.

Ito’y kasunod sa mga binigay na direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte kagabi matapos na itaas ng Interagency Task Force on Emerging infectious Diseases sa Code Red Sub Level 2 ang alerto ng bansa dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay PNP Director for Police Community Relations at acting spokesperson M/Gen Benigno Durana marami pang dapat linawin kung paano ang implementasyon ng community quarantine.

Sinabi ni Durana, na ang DOLE AT DOTR ay malaki din ang papel na gagampanan dito.

Kung paano ang Restriction sa biyahe ng mga pampublikong sasakyan.

Karamihan ng mga manggagawa sa Metro Manila ay umuuwi sa mga karatig probinsya gaya ng Bulacan, Rizal, Laguna, Cavite at iba pa.

Inaasahan na Ihahayag ni Gamboa ang napagkasunduan na mga ipatutupad na protocols ngayong araw, pagkatapos ng pagpupulong.