Nasa 200 pa rin na mga protesters ang nagbarikada sa Hong Kong University.

Binarikadahan na ito ng mga kapulisan para matiyak na mauubusan ang kanilang suplay sa loob at mapilitang lumabas na.

Ito na ang pangatlong araw na nilusob ng mga protesters ang Polytechnic University kung saan gumagamit pa ang mga ito ng petrol bombs at pana.

Ibinunyag ng kapulisan sa Hong Kong na gumamit na sila ng 1,458 na tear gas, 1,391 rubber bullets, 325 bean bag rounds at 265 sponge bullets.

Ilang prostesters na rin ang kanilang inaresto at nakatakdang sampahan na ng kaso.