Matapos maisyuhan ng operations permit ng Energy Regulatory Commission(ERC), binigyang kasiguruhan ng bagong Distribution Utility sa Iloilo City na More Electric and Power Corporation (More Power) ang maasahan, abot kaya at matatag na supply ng kuryente para sa mga residente at business community sa lalawigan.
Ayon kay More Power President at Chief Operating Officer (COO) Roel Castro, personal siyang nakipagpulong kay Iloilo City Mayor Geronimo Treñas para tiyakin sa lungsod ang maayos na serbisyo ng kumpanya.
“MORE Power is confident of ensuring stable and reliable power supply for Iloilo City as it has secured power supply agreements (PSAs) with three electricity generation companies – Panay Energy Development Corp., Panay Power Corp. and the KEPCO-Salco Power Corp. – and the power consolidator Wholesale Electricity Spot Market (WESM)”paliwanag ni Castro.
Nabatid na mula Pebrero 29 ay nakapag-deliver na ang More Power ng may 18M kilowatt-hour ng kuryente sa Iloilo City, may mga technical teams na nakadeploy sa mga power sub-stations at 24/7 na roving reaction teams at 24/7 na tumutugon sa consumer complaints.
Sa datos ng More Power ang mga reklamo sa power service ay agad nang natutugunan, ang average na oras para maibalik ang supply ng kuryente ay isang oras at 58 minuto, ang pinakamabilis ay limang minuto habang ang pinakamatagal ay walong oras.
“In order to ensure continuity of services to the consumers of Iloilo City, MORE Power trouble shooters and line teams are mobilized to provide assistance as may be needed,” ayon pa kay Castro.
Sa kasalukuyan ay lilang sub-stations na ang pinangangasiwaan ng More Power at may walong lumang distribution transformers na ng Panay Electric Company(PECO) ang kanilang napalitan.
Siniguro ni Castro na sa mga susunud na araw ay mas gaganda pa ang kanilang serbisyo bilang resulta ng kanilang ginagawang Customer Care Program (CCP).
Una rito ang “More Updates” na siyang tumutugon sa pag-update ng customer information; ikalawa ay More Konek na mas mabilis na application process sa mga customer; More Korek na nakatutok naman sa pagpapalit ng mga lumang pasilidad kasama na ang mga electric meters at More Kolek kung saan mas pinadali na ang pagbabayad ng billing statement ng mga customer.