Plantsado na ang nakatakdang pagkilos ng mga taga suporta ng Pangulong Rodrigo Duterte sa darating February 25 at February 26 sa Luneta.

Tinatawag ito na People’s Support on Duterte’s war against drugs, poverty and corruption.

Ang rally ay mag-uumpisa alas-6:00 ng umaga ng Sabado February 25 hanggang sa Linggo.

Sinabi ni DILG Assistant Secretary Epimco Densing na ang nasabing pagkilos ay iba sa pagkilos na gagawin ng mga taga suporta sa selebrasyon ng Edsa People Power sa February 25 dahil walang bahid pulitika ang pagkilos kundi pagsuporta sa mga programa ng Pangulong Duterte.

Pahayag ni Densing na posibleng umabot ng 100,000 hanggang sa isang milyung tao ang lumahok sa dalawang araw na pagkilos.