Walang humpay din ang ginagawang paghahanda sa ngayon ng mga pribadong ospital sa bansa dahil sa banta ng COVID-19 Omicron variant na kasalukuyang kinukonsidera nang variant of concern ng World Health Organization.
Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) president Dr. Jose de Grano tuloy-tuloy ang paghahanda ng mga ospital kahit pa walang katiyakan sa ngayon kung nakakapagdulot ba ng severe disease ang bagong tuklas na variant na ito.
Sinabi ni De Grano na wala naman gaanong pagbabago pa sa kanilang paghahanda pero hindi ibig-sabihin nito ay nagpapakampante sila lalo pa at nagpapatuloy pa sa ngayon ang pagsusuri ng mga eksperto hinggil sa bangis na mayroong taglay ang Omicron variant.
Sa kabilang dako, sinabi ni De Grano na aabo pa sa humigit kumulang P10-billion ang collectibles ng mga private hospitals sa Philippine Health Insurance (PhilHealth).
Gayunman tuloy-tuloy pa rin aniya ang pag-uusap sa PhilHealth hinggil sa hindi pa nababayarang COVID-19 claims.