Inilunsad nina Prince William at Kate Middleton ang kanilang sariling YouTube channel.

Sa kanilang Instagram account ay inanunsiyo nila ang nasabing pagkakaroon na nila ng sariling channel sa video sharing app.

Sa unang video na kanilang nai-upload ay makikitang nakaupo silang dalawa at nag-uusap.

Ilang oras matapos ang mai-upload ay umabot agad ito sa halos 1 milyon viewers at mayroong agad na mahigit 200,000 na subscriber.