Charles and Camilla
Charles and Camilla/ IG post

Nasa mabuting kalagayan na si Prince Charles matapos na ito ay magpositibo sa coronavirus.

Hindi na rin ito naka-isolate matapos ang pitong araw ng masuri itong nagpositibo sa virus.

Ayon sa doktor ng tumingin sa 71-anyos na si Charles na gumaling na ang kaniyang naramdamang mild symptoms ng virus.

Mananatili naman sa isolation ang asawa nitong si Camilla matapos na makitaan ng sintomas.

Tiniyak naman ng Buckingham palace na nasa mabuting kalagayan sina Queen Elizabeth at asawang si Prince Philips na nasa Windsor Castle.