-- Advertisements --

Nagbanta si US President Donald Trump na maaari nitong gamitin ang kaniyang contitutional authority para i-adjourn ang US Congress at Senate upang matapos na ang ginagawa nilang nominasyon na kakailanganin ng kaniyang administrasyon para pangasiwaan ang krisis sa coronavirus.

Sa isinagawang press conference ni Trump sa White House, sinabi nito na dapat magpatuloy ang Senado sa kanilang tungkulin na bumoto sa mga nominado o di kaya naman ay mag-adjourn na lang para makagawa ito ng recess appointments.

Kung hindi naman daw papayag sa ideyang ito ang House ay mapipilitan umano ang American president na ganitin ang kaniyang constitutional authority para i-adjourn ang parehong chamber.

Dagdag pa ni Trump, magiging kritikal para sa kanilang pagtugon sa coronavirus outbreak kung hindi kaagad makakapagdesisyon ang Senado at Kongreso.

“The current practice of leaving town while conducting phony pro-forma sessions is a dereliction of duty that the American people cannot afford during this crisis,” saad ng Republican president.