Duterte
-- Advertisements --

Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging panghihikayat sa kaniya ng PDP-Laban party na tumakbo ito bilang Vice President sa 2022 elections.

Sa kaniyang Talk to the Nation nitong madaling araw ng Miyerkules, Agosto 25, sinabi nito na nais niyang ituloy ang krusada nito sa paglaba sa iligal na droga, insurgency at kriminalidad kapag mailuklok siya sa pagka-bise presidente.

Dagdag pa nito na kahit anuman ang kaniyang paniniwala ay ipapaubaya pa rin niya ito sa mga tao.

Nauna ng inanunsiyo ng PDP Laban nitong hapon ng Martes na tinanggap na ng pangulo ang kanilang pag-endorso na tumakbo ito sa pagka-bise presidente ng bansa sa darating na 2022 elections.