Photo: A Life in Squatters Area by Topher Abril

Plano ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na maghanap ng bakanteng lupa sa Metro Manila para malipatan ng mga informal settlers.

Sinabi ng Pangulo na ito ang nakikita niyang solusyon para maiibsan ang bilang ng mga squatters sa Kamaynilaan.

Nilinaw naman nito na pera ng gobyerno ang kaniyang gagamitin at hindi sariling pera niya sa pagpapatayo ng mga bahay.

Mahalaga, aniya sa mga mahihirap ang may lupang pagtatayuan ng kanilang bahay.

Hindi rin itinanggi ng Pangulo na lumalala ang problema ng informal settlers sa bansa.