CAGAYAN DE ORO CITY-Mas pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbisita sa mga sundalo sa 6th ID,Philippine Army na nakabasi sa Malabang, Lanao del Sur kaysa pangunahan ang pagdiriwang ng ika-121 na kasarinlan ng bansa sa Luneta Park sa Metro Manila ngayong araw.

Ito ang kinompirma ni 6th ID Phil Amry Commader General Cirilito Sobejana sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo Cagayan de Oro.

Sinabi ni Sobejana na inalam ng presidente ang kalagayan ng mga sundalo at naghingi rin ito ng update sa nagpapatuloy na rehabilitasyon ng Marawi City.

Nagpapakita umano ito kung paano pinapapahalagan ni Pres. Duterte ang mga sundalo dahil sa kanilang matapang na pakikibaka laban sa mga kaaway ng pamahalaan lalong-lalo na sa mga teroristang grupo dito sa Mindanao.

Samantala, napag-alaman ng Bombo Radyo na mula sa Lanao del Sur, pupunta rin ang pangulo sa Cagayan de Oro ngayong gabi at General Santos City, bukas ng umaga.