Tuloy ang pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Asean Summit sa Thailand.

Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, na kahit may iniindang sakit ang pangulo ay tiniyak nito ang pagdalo.

Ang pababago lamang aniya ay ang pagbawas ng aktibidad sa nasabing ASEAN summit.

Gaganapin mula Nobyembre 2 hanggang 4 ang 35th Association of Southeast Asian Nation summit sa Bangkok, Thailand.