Hinikayat ni Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez ang mga Pilipino na suportahan ang Bagong Pilipinas campaign ng administrasyong Marcos.
Binigyang diin pa ni Galvez na magdadala ito ng kapayapaan, pag-unlad at pagkakaisa sa ating bansa.
Ang naturang kampaniya din aniya ay isang multi-sectoral effort na naglalayong pagkaisahin ang buong nasyon anuman ang kanilang pinagmulan, relihiyon, economic status o personal na paniniwala.
Sinabi din ng opisyal na layunin ng naturang kampaniya na makapagtatag ng isang lipunan na magbibigay sa lahat ng mga Pilipino ng pantay na oportunidad para maiangat ang kanilang pamumuhay.
Matatandaan na inilunsad ni PBBM noong Enero 28 ang baong Pilipinas campaign na ayon sa Pangulo hindi lamang isang slogan kundi isang holistic at inclusive brand of governance na gagabay sa pamahalaan para sa development at peacebuilding efforts nito.
Hindi rin aniya ito political game plan para sa mga iilan subalit isang master plan para sa tunay na pagunlad na magbebenipisyo sa lahat ng mga Pilipino