-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Department of Educations (DepEd) na opisyal ng tinanggal nito ang pre-qualifying tournament ng Palarong Pambansa ngayong taon na gaganapin sa Cebu city.

Paliwanag ni DepEd Assistant Secretary for Field Operations, Dr. Francis Cesar Bringas nagkaroon lamang ng pre-qualifying meet dahil nasa medical health emergency noon nakalipas na taon ang bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Kung saan kinailangan din aniyag ikonsidera ang pagbawas sa bilang ng mga delegasyon sa bawat rehiyon sa Palarong Pambansa.

Ginawa ng opisyal ang anunsiyo matapos ang paglagda ninan VP Sara at Cebu city Mayor Michael Rama ng MOA para selyuhan ang 2024 Palarong pambansa hosting sa Cebu city.

Ngayon taon, inaasahang madodoble pa sa tinatayang 20,000 ang bilang ng mga atleta na lalahok mula sa mahigit 9,000 na nakipag-compete noong nakalipas na taon sa Marikina city.