Umalalay ang mga volunteer ng Philippine Red Cross sa pagresponde sa tatlong bus na natabunan ng gumuhong lupa kagabi sa sa Barangay Masara, Maco, Davao De Oro.
Ang naturang bus ay may sakay na mga trabahador ng isang mining company na pauwi na sana ng mangyari ang hindi inaasahang insidente.
Sa isang pahayag, sinabi ni PRC Chairperson at CEO Richard Gordon, aabot sa dalawang tauhan ng isang mining company ang nakaligtas habang nabigyan naman ng psychosocial first aid ang 10 apektadong indibidwal sa isang ospital
Inihayag rin ni Gordon na nahirapang pumasok ng kanilang ambulansya sa pinangyarihan ng insidente dahil sa sira ang mga kalsada at maputik dulot ng patuloy na pag-ulan.
Samantala, bukod dito ang tumulong rin ang PRC sa search and rescue operation sa mga hindi pa nakikitang biktima.
Tumulong rin ang PRC sa pagpapalikas sa aabot 19 na indibidwal sa Maco at Mawab .
Tiniyak naman ni Gordon na magpadala ang PRC ng volunteer response emergency vehicles, 6×6 trucks, food trucks, water tankers, at drones at karagdagang tauhan upang tumulong sa operasyon sa lugar na apektado ng mga pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng sama ng panahon partikular na ng Shear Line.