Walang nakikitang discrepancies ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa pagitan ng physical election returns at electronically transmitted results.

Sinabi ni PPCRV media director Agnes Gervacio na nasa 15 percent na ng physical election returns sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang kanilang natanggap.

“Everything that has been received and encoded have a total match to what is being shown electronically on the board,” ani Gervacio.

Bukod dito, wala rin daw silang nakikitang iregularidad sa kondisyon ng mga physical election returns na natatanggap ng PPCRV.

Hanggang kaninang alas-11:00 ng umaga, Mayo 16, 85,568 na ng 86,769 local clustered precincts ang nakapag-transmit ng resulta.